- CLSU. Hatinggabi. May nakatutok na ilaw sa akin. Pagod na ako. Saan ka namin babarilin? tanong sa akin ni Dr Fulgencio Soriano. The heart, sabi ni Dr Melchizedek Maquiso. What do you think, Willi?
It doesn’t matter, Sir.
Okay. Let’s do this again.
Technical rehearsal ito sa bagong bukas na CLSU Auditorium. Kauna-unahang cultural festival ng bagong tatag na Development Council of State Colleges and Universities in Central Luzon. Nag-umpisa ng umaga. Inuna na lahat ng ibang universities sa Central Luzon. Tarlac, Bulacan, Pampanga, Pangasinan… Dahil kami ang host, pinaka-last na kami nirehearse. Kasama rin ako sa isang play. Comedy. Everybody was exhausted.
Huli kaming sinalang ni Mikhail. He was thirteen. Sleepy and irritable. Soaking wet in his barong. I had seen him perform his dynamite satirical piece on language many times. Mikhail was a ferocious performer. A rock star on stage. Magkaiba kami ng category so we weren’t competing against each other. From high school to university level to intra-university, magkasama kami ni Mikhail na nagcompete at umikot sa Region III. Two high school students who kept winning in all levels.
Wala kaming bonding moments ni Mikhail during these events. Hindi naman dahil sa extrovert siya at introvert ako. Hindi dahil sa alaskador siya at sensitive ako. Yun ngang simplicity ng congratulations niya sa akin ang pinakahindi ko makalimutan. Every time. One of the most intense persons I’ve met, larger than life, nag-away sila minsan ni Genaro noong third year kami. I have this picture of him in the hallway tearing his heart out. Kaya pag naaalala ko how he would congratulate me pag nananalo ako, it kills me. He would say it in a quiet manner. “Ang galing mo.” sabi niya sa akin. It was so pure and unaffected it crushed me. “Ikaw din,” sabi ko. Sa auditorium ng Tarlac State University ito.
I have this image of Mikhail on stage the night of the technical rehearsal. Nasa right wing ako ng stage. Nakatutok spotlight kay Mikhail. Maraming dramatic peaks ang piece written by Mikhail’s father, Dr. Maquiso. It was breathtaking to witness Mikhail sustain that energy from beginning to end. It was very physical. I was watching him from the side. Kitang-kita ko ang pawis at laway niya na umiispray spectacularly sa sinag ng spotlight. Tapos yung barong niya basang-basa na. Noong turn ko na sabi ko kay Dr Maquiso, gusto ko ganun din ilaw ko. I wanted to look at that light and not see anything else.
Ang problema ay hindi lang saan, kundi kung kailan ako babarilin. Madali sanang desisyunan ito kung iba ang nagsulat ng piyesa ko. Kaso ako din ang nagsulat kaya ako ang tinatanong. Kailan daw ba ako babarilin? Ang piyesang sinulat ko ay tungkol sa drug addiction. It was the second piece I wrote that year about the same theme. The first one took me to the nationals school press conference sa Bayombong kung saan ko nameet ang unang BL ko. Taga NEHS (Nueva Ecija High School) sa Cabanatuan.
At ito ngang ikalawa, Sunrise at Dusk. I wrote about a young man suffering from addiction. I started smoking pot when I auditioned in a college play and landed a role in Al Santos’ Hukbalahap, directed by Carlos Alagad. My father found out and hunted down the cast. Pag nakikita ko sila after the play, lumalayo na sila sa akin.
Hindi nila makuha ang timing. Kahit sabihin kong sir, dito po ako sa part na ito babarilin, pag sinabi ko po itong linyang ito. Ang baril noon ay isang dos por dos na ipapalo ni Dr Soriano sa desk o sa floor. I find myself anticipating it and losing my place.
Sir, sabi ko, huwag niyo na lang sabihin sa akin kung kailan ako babarilin. Bahala na po kayo. Basta iputok na lang po.
- Madaling araw. Grade Two ako, kagigising. Pinainom ako ni Mommy ng salabat. May inabot siya sa aking papel para basahin. Ganito daw kabisaduhin ang tula. Ito ang unang basahin araw-araw pagkagising. Ang unang performance piece ko sa isang talent show ay sinulat ni Alfred Lord Tennyson. This was also the same year na nanalo ako sa unang essay writing contest ko. Kinausap ng teacher ko si Mommy. Isasali na rin daw ako sa talent show. Nagpunta kami sa munisipyo at hinanap si Atty. Balbin. Si Attorney Balbin ang tumalo kay Lino Brocka noong high school sa oratorical contest. Ang gagamitin daw naming piyesa ay piyesang ginamit ni Lino. Memoryahin ko daw. Every day yan. Pagkagising.
After school kailangang puntahan ko si Atty. Balbin sa bahay nila para magpraktis. Maliit na babae. Maitim at maiksi ang buhok. Ayokong nagpupunta sa lugar nila. Sa likod ng mga Gabaldon school buildings sa bayan. Maraming matatayog na puno ng kaimito. Ang pinakaayoko doon ay ang oras ng pagpunta ko. Dusk. Magdidilim ang langit sa kapal ng paniking lumilipad. Very Bruce Wayne.
Ang bungalow ni Atty Balbin ay nakaharap sa mga bukirin. Doon kami magpapraktis facing the ricefields. Hindi niya inexplain sa akin ang tula. Pero naintindihan ko nang panoorin ko siya. I watched her, this tiny woman facing the rice fields. Maraming kalaban. Matatalo na kami. Pero kailangan pa rin naming lumaban.
Hindi ko pa noon maipaliwanag kung bakit ako babarilin. Hindi ko pa alam iyong word na buy bust. Hindi ko na matandaan kung kailan ako binaril. Ang naaalala ko ay kung paano ako sinakmal ng sindak. It was definitely after the cue. I can’t recall what I said or if I said anything at all. I remember saying no repeatedly, in disbelief. Noon kasing may cue, prepared ako. Noong totohanan na, naprolong iyong terror for maybe a few moments. I knew that terror. Yung takot na malamig at dumidikit sa balat. Magiging puro tubig ang tuhod mo. Mawawalan ka ng lakas. Gusto mong maging malaki. Pero lumiit ka na ng lumiit. Kinakaladkad ka. Hindi nangyayari ito. Hindi sa akin nangyayari ito. Hindi ko buhay ito. Hindi ako ito. Huwag po.
Hindi ko alam na merong SFX recording ng pagputok ng baril sa backstage na ipeplay. This was the year na binaril si Ninoy at si Elsa. Hindi ko na matandaan kung paano ako bumagsak.
Ang tagal kong nakabagsak. Tahimik lahat. Tumayo ako at saka nag-umpisang maglakad pababa ng stage. Nakasalubong ko si Dr. Soriano, tumatawa. Magbow ka, sabi niya. Saka ako bumalik sa stage at nagbow. What I remember most from that moment wasn’t the applause but looking up at the balcony and seeing the cast of Hukbalahap cheering me.
“Ang galing mo,” sabi ni Mikhail.
“Ikaw din.”
Nanalo kami ni Mikhail. Two high school students grabbed the inaugural trophies of the First DC-SCU Cultural Festival. Four years later, bumalik ako sa CLSU at dumiretso sa chapel kung saan nakaburol si Mikhail, seventeen. Hindi ako nakilala ni Dr Tess Maquiso. I had to introduce myself. Ito iyong mga panahon na wala na akong nakikitang ibang paraan pa para makatakas sa buhay ko. How are you, she asked me. I said I was fine and left it at that. Nagpasalamat ako at nakasama ko si Mikhail in competing. We never really talked about why we did what we did. Or what inspired us or what we think of others. Kasi pag magkasama kami ni Mikhail sa backstage, pumapasok na kami sa loob ng sarili namin. Completely insulated. But we got to see each other on stage too. We knew how that worked.